Labingtatlong continental teams at dawalang pambansang koponan ang bubuo sa roster ng Le Tour de Filipinas na lalarga sa Pebrero 1 hanggang 4 sa darating na taon.

Ito ang ikaanim na edisyon ng taunang Le Tour, ang tanging International Cycling Union (UCI)- calendared road race sa bansa, at sinasabing pinakamahirap, ayon kay race organizer Donna Lina- Flavier ng Ube Media.

“With 13 continental and two national squads, the 2015 Le Tour will definitely be the most exciting,” sabi ni Lina-Flavier. “Unlike in the past editions when club teams joined the race, this time, the Le Tour has made its name as one of the most competitive in Asia.”

Ang continental teams na magbabalik sa Le Tour ay ang Satalyst Giant Racing Team (Australia), CCN Cycling Team (Brunei), Astana Continental Team (Kazakhstan), Pegasus Continental Cycling Team (Indonesia), TPT Cycling Team (Iran), Terengganu Cycling Team (Malaysia), Bridgestone Anchor Cycling Team (Japan) at 7-Eleven (Philippines). Sila ay sasamahan ng Le Tour first-timers na Team Novo Nordisk (USA), RTS Carbon (Taiwan), Attaque Team Gusto (Taiwan), Pishgaman Yazd Pro Cycling Team (Iran) at Singha Infinite Cycling Team (Thailand).

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang pambansang koponan ng PhilCycling ay sasabak din bilang bahagi ng kanilang paghahanda para sa Asian Road and Track Championships sa huling bahagi ng Pebrero at ng Singapore Southeast Asian Games sa Hunyo.

Ipapadala rin ng Uzbekistan ang pambansang koponan nito upang maging matalas at handa para sa Asian championships. Ang 2015 Le Tour ay magbabalik sa maalamat na ruta sa Kennon Road patungong Baguio City sa Stage Four. Ang Kennon Road ay kinilala sa kasaysayan ng Philippine cycling bilang “maker of champions” – kung saan ang mga tunay na “sports heroes on two wheels” ay naiuukit ang kanilang mga pangalan – sa local Tour.

Ang Stage One sa Pebrero 1 ay ang 126-kilometrong Balanga-Balanga route sa Bataan, ang Stage 2 sa Pebrero 2 ay isang 153.75-km ride mula Balangan hanggang Iba sa Zambales at ang Stage 3 sa Pebrero 3 ay sasakupin ang 149.34- kilometro mula Iba hanggang Lingayen, Pangasinan.

Para sa Stage 4 sa Pebrero 4, ang Le Tour, na napasama sa Visit the Philippines 2015 program ng Department of Tourism, ay ang karera mula Lingayen hanggang Baguio City sa pamamagitan ng Kennon Road at may habang 101 kilometro.

Ang isang continental team ay isang UCI-registered squad na binubuo ng mga rider na may iba’t ibang nasyonalidad. Ang riders at mga koponan ay nakakakuha ng UCI world-ranking points para makapagkuwalipika sa World Championships, World Cup at Olympics.