Papalitan na ng Philippine Navy ang sampung lumang barko nito na mahigit ng 35 taon nang pinakikinabangan makaraang ihayag ang planong bumili ng mga bago.
Sinabi ni Navy Captain Alberto Carlos, assistant naval chief for logistics, abot sa sampung sasakyang pandagat ang nakatakda nilang alisin kapag dumating na ang mga bagong navy ship.
Ayon kay Col. Edgard Arevalo, Navy spokesman, ang iba pang mga sasakyang pandagat ay galing pa sa World War II noong 1960 gaya ng BRP Laguna na binili sa US Navy noong 1976.
Bahagi nang modernization program ang pagbili ng mga bagong barko na gagamitan sa paglambat sa mga itinuturing
na kalaban ng batas.