OPISYAL nang naghiwalay sina Kris at Bruce Jenner matapos nilang isapinal ang kanilang divorce papers. Halos isang taon na ang nakalilipas simula nang ipahayag ng dating mag-asawa ang kanilang planong paghihiwalay.

Isang abogado mula sa Los Angeles ang pumirma sa kanilang legal na dokumento, ngunit sila ay hindi maghihiwalay hanggang Marso 23, 2015 dahil sa ikaanim na buwan pa ito magiging epektibo. Nakita ng The Insider With Yahoo ang nasabing papeles na may nakasaad na mapupunta kay Kris ang kanilang bahay at paghahatian naman nila ang pera sa kanilang mga bank account at iba pang ari-arian. Ayon sa kasunduan, kinakailangang bayaran ni Kris si Bruce ng $2.5 million upang maisaayos ang lahat ng bagay.

Base sa dokumento, hindi makakatanggap ng suporta kanino man kina Bruce, 65 at Kris, 59, at walang kinailangang kustodiya dahil ang anak nilang si Kylie Jenner ay independent na sa susunod na taon.

Inihayag nina Kris at Bruce ang kanilang desisyon na hiwalayan noong Oktubre 2013 pagkaraan ng 22 taong pagsasama bilang magasawa.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

“We are living separately and we are much happier this way,” sabi nila sa isang panayam. “But we will always have much love and respect for each other. Even though we are separated, we will always remain best friends and, as always, our family will remain our number one priority.”

Oktubre nang makipag-usap si Kis sa People tungkol sa co-parenting at sinabing sila, “are just trying to be grown-ups about the situation.”

“We have children together, and we have families and memories and holidays and traditions. I don’t want to give that up. I don’t want him to take that away from me, and I don’t want to take that away from him,” pahayag ni Kris. “We work together to make sure that we’re both happy. We are well-rounded human beings that are going through a tough time. You just do the best that you can”. - Yahoo News/Celebrity