SACRAMENTO, Calif. – Kinukunsidera ni Kobe Bryant na magpahinga muna.
“I don’t have much of a choice if the body is feeling the way it’s feeling right now,” sinabi ni Bryant sa Yahoo Sports. “You got to be smart. You got to make sure you get enough return on your investment. With the amount of work that I do and put into my body and to get my body ready, for it to be sore as it is right now, sometimes you do have to consider sitting down.”
Sinabi ni Los Angeles Lakers coach Byron Scott na kakausapin niya si Bryant na magpahinga ng isa o dalawang laro o bawasan ang kanyang mga minuto makaraang niyang magmukhang pagod habang nahirapan sa kanilang 108-101 na pagkatalo sa Sacramento Kings kahapon. Si Bryant ay nagmintis sa 22 ng kanyang 30 shots mula sa field at nagkamit ng siyam na turnovers sa halos 38 minuto kontra sa Kings.
Sunod na makakatapat ng Lakers ang Golden State Warriors sa Miyerkules bago magbiyahe upang harapin ang Chicago Bulls sa Pasko at ang Dallas Mavericks sa Sabado. Ani Bryant, hindi pa sya siguardo kung aling mga laro ang hindi siya sasabak.
“You got to look at the body,” turan ni Bryant. “You make the call tomorrow and see how my body feels and go from there.”
Nang tanungin kung ang offensive struggles ni Bryant ay dahil sa fatigue o pagiging masyadong agresibo, ani Scott: “That’s fatigue. I think that goes hand in hand. I’m going to think about it tonight and sit down with Kobe tomorrow and we’ll talk about it. We’ll come up with a solution and try to figure out the next few games and what we want to do.”
Si Bryant ay may average na 24.6 puntos sa kanyang 37.7 shooting mula sa field sa 35.2 minuto kada laro ngayong season. Ang third all-time leading scorer ng NBA ay hindi pa gumagawa ng mas mababa sa 40 porsiyento sa kanyang naunang 18 season. Si Bryant ay naglaro sa 27 laro ngayong season matapos malimitahan sa career-low na anim na laro noong huling season dahil sa knee at Achilles injuries.
“I’m trying to shoulder a lot,” sabi ni Bryant. “I’m trying to figure out the puzzle of my body and getting it to respond so I can come through.”
Kanino sasandal ang Lakers sa panandaliang pagkawala ni Bryant? Ang guwardiyang si Nick Young, na may average na 14.9 puntos, ay nagsabing handa siyang tanggapin ang hamon.
“Just give me the ball. I’m always ready to carry the load,” ani Young.
Ang Lakers (8-19) ay natalo ng tatlong sunod na laro makaraang manalo ng tatlong sunod.