IMUS, Cavite – Arestado ang isang pinaghihinalaang kolektor ng taya sa “lotteng,” isang ilegal na sugal kung saan pinagbabasehan ng winning number ay ang resulta ng Small Town Lottery (STL) draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Kinilala ni Supt. Romano V. Cardiño ang suspek na si Joey Alamo Saquitan, 45, ng Barangay Molino IV, Bacoor City.

Naaresto si Saquitan ng grupo ni Senior Insp. Joie Saulog habang nangonglekta umano ng taya sa “lotteng” sa Barangay Molino IV kung saan nakumpiska sa kanya ang P170 betting money at listahan ng mga bettor.

Ayon kay Saulog, si Saquitan ay isa lamang sa mahigit sa 20 kolektor ng “lotteng” na kumikilos sa pitong distrito ng Cavite. (Anthony Giron)
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists