Ni Aaron Recuenco

Nakikipag-ugnayan ngayon ang gobyerno ng Japan sa mga opisyal ng disaster management ng Pilipinas upang makapagbalangkas ng bagong terminolohiya na gagamitin sa komunikasyon sa publiko hinggil sa epekto ng kalamidad.

Upang maiangat ang antas ng disaster preparation sa bansa, sinabi ni Yasutaka Makihara, eksperto mula sa Japan International Cooperation Agency (JICA), na kailangang isama ng gobyerno ng Pilipinas ang paggamit ng mga tamang kataga tungkol sa kalamidad na madaling maunawaan ng publiko.

“Choosing the right terminology for weather information, and making the people understand the risks of impending disasters will help save more lives,” ani Makihara.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nagtalumpati si Makihara, ng Japan Meteorological Business Support Centre, sa mga stakeholder na nakikibahagi sa pagpapakalat ng impormasyon hinggil sa taya ng panahon at kalamidad, sa ginanap na JICA-PAGASA seminar na may kaugnayan sa proyektong Enhancing Capacity on Weather Observation, Forecasting and Warning (J-POW) na nakatutok sa “Typhoon and Storm Surge.”

Susuporta ang Japan Meteorological Agency (JMA) sa aspetong teknikal ng proyekto na ipatutupad hanggang 2017, ayon kay Makihara. Bago ang pananalasa ng bagyong ‘Yolanda’—na kumitil sa buhay ng mahigit 8,000 katao noong Nobyembre 8, 2013, maraming residente ang hindi naintindihan ang “storm surge” na tinukoy ng weather forecasters kaya hindi agad sila nagsilikas.

Nagpasalamat naman ang mga opisyal ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa patuloy na pagtulong ng gobyerno ng Japan sa ahensiya.

Sinabi ni Dr. Esperanza Cayanan, officer-in-charge ng PAGASA, na idinagdag na ng ahensiya sa opisyal ng kategorya ng mga bagyo ang Storm Signal No. 5 para sa mga super typhoon, na gaya ng Yolanda.