ANG Emperor’s Day (Tennō tanjōbi) ngayong Disyembre 23, ay isang national holiday sa Japan upang gunitain ang ika-81 kaarawan ng His Imperial Majesty, Emperor Akihito, ang ika-125 Emperor ng Japan, at ang nag-iisang monarkiya sa daigdig ngyaon na may titulong Emperor. Ang panlimang anak at unang lalaking supling ni Emperor Hirohito at Empress Nagako, ang kanyang pangalan ay nangangahulugan ng “shining pinnacle of virtue,” at ang kanyang paghahari ay itinalagang heisei (achieving ace).

Isang kakaibang oportunidad ang Emperor’s Day para sa mamamayan at mga turista ng Japan upang batiin si Emperor akihito na, kasama ang kanyang pamilya, na tatlong beses nagpapakita sa balkonahe ng Imperial Palace sa Tokyo upang magtalumpati sa madlang nagwawagay-way ng mga bandila. ang kaarawan ng Emperador ay issa sa dadalawang araw sa taon na bukas ang Imperial Palace sa publiko; ang isa pang okasyon ay ang Ippan Sanga tuwing Enero 2 kung saan ibinibigay ng Emperor ang kanyang New Year greeting sa mga mamamayan. Pagkatapos ng kanyang balcony appearance, nakikipagkita siya sa Prime Minister, Chief Justice, House of Councilors Chairman, mga pinuno ng tatlong sangay ng gobyerno, ang diplomatic corps, imperial household staff, at mga panauhin. Nagtatapos ang kanyang araw sa pamamagitan ng pagtanggap ng mga pagbati ng kanyang maybahay, si Empress Michiko, at kanhilang mga anak – sina Crown Prince Naruhito, Prince akishino, at Princess Sayako.

Ang Tennō tanjōbi ay isang dakilang okasyon para sa buong Japan. Ang Chrysanthemum Throne, ang pinakamatandang hereditary monarchy sa daigdig, ay nirerespeto ng mga mamamayang Japanese. Ang Emperor ay “symbol of the state and the unity of the people, deriving his position from the will of the people with whom resides sovereign power,” ayon sa Konstitusyon ng Japan. Tumatanggap siya ng foreign dignitaries, naggagawad siya ng parangal sa mga mamamayang Japanese, tinitipon ang Diet, at itinatalaga ang Prime Minister na pinili ng Diet.

Kilala sa kanyang pagkakawanggawa, nagsisikap siya upang ilapit ang Imperial family sa taumbayan. Maraming bansa at Japanese prefecture na siyang binisita. Matapos ang 2011 earthquake-tsuname, hinimok niya ang mga mamamayang Japanese sa isang televised na talumpati na “never give up hope, take care of themselves, and live strong for tomorrow.” Binisita niya at ng Empress ang mga survivor na nasa pansamantalang silungan.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Tulad ng kanyang ama, dalubhasa si Emperor akihito sa marine biology. Sa ngayon, isa siyang world expert sa goby fish, kung saan nailathala niya ang ichthyological research at scientific study sa taxonomy ng family gobiidae. Marami rin siyang isinulat na lathalain tungkol sa kasaysayan ng siyensiya sa panahon ng Edo at Meiji. Siya ay isang research associate ng Australian Museum at miyembro ng Ichthyological Society of Japan, ang Linnean Society of London, ang Zoological Society of London, at ang Research Institutde for Natural Science of argentina. Tinuruan ang Emperor ng wikang English at kaugaliang Western ng isang american teacher, at nag-aral sa Department of Political Science sa gakushuin University.