Pinahintulutan na ng Sandiganbayan First Division ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo (GMA) na makapiling ang kanyang pamilya ngayong Pasko.

Ito’y matapos pagbigyan ang hirit nitong holiday furlough ng Sandiganbayan subalit sa desisyon ng anti-graft court, dapat na manatili lamang ang dating Pangulo sa kanyang tahanan sa No. 14 Badjao St., La Vista, Quezon City si Arroyo mula ngayong Martes hanggang Biyernes, Disyembre 26, at hindi Enero 3, 2015 na unang hiniling ng kampo nito.

Dahil dito, sasalubungin ni GMA ang Bagong Taon sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) kung saan ito nakasailalim sa hospital arrest kaugnay sa kasong plunder at election fraud na kinahaharap nito.

Ganap na 10:00 ng umaga ngayong Martes ibibiyahe si GMA patungo sa La Vista, at ganap na 2:00 ng hapon ng Disyembre 26 ibabalik sa Disyembre 26.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Habang ang Philippine National Police (PNP) ang magbigay-seguridad sa dating Pangulo, babalikatin naman ni Arroyo ang lahat ng gastusin ng mga security escort nito.

Ipinagbawal din ng korte ang paggamit ni Arroyo ng mga communication at electronic device at hindi ito maaaring makapanayam ng media nang walang pahintulot sa nakatalagang PNP security.