DIJON, France (AFP)— Isang driver na sumisigaw ng “Allahu Akbar” (“God is greatest”) ang umararo sa mga pedestrian sa silangan ng France noong Linggo na ikinasugat ng 11 isang araw makalipas isang lalaki na sumisigaw ng mga parehong kataga ang namatay sa pag-atake sa mga pulis.

Dalawa sa mga nasaktan sa car attack sa lungsod ng Dijon ay nasa malubhang kalagayan, sinabi ng isang source sa pulisya, idinagdag na naaresto na ang driver.

“The man, born in 1974, is apparently unbalanced and had been in a psychiatric hospital,” sabi ng source na kasama sa imbestigasyon sa AFP, idinagdag na “for now his motives are still unclear”.

Drogang tinangkang ipuslit sa hamburger sa kulungan, kalaboso!