KAHAPON, tumawag ang aking pamangking si Val mula sa United states. May taginting na ang kanyang tinig. Hindi tulad ng kanyang nakaraang pagtawag na maingat na maingat at waring may iniiwasang makarinig ng aming pag-uusap.

Ngayon, walang kagatul-gatol na sinabi ni Val: Uncle, hindi na po kami magtatago. Maliwanag na ang kanyang pahayag ay nakaangkla sa bagong utos ni Us President Barack Obama hinggil sa pagpapaluwag ng immigration policy ng amerika. ang mahigit na apat na milyong undocumented immigrants o hindi dokumentadong migrante na may limang taon nang naninirahan sa Us ay binigyan ng proteksyon upang hindi sila maipatapon o mai-deport sa kani-kanilang mga bansang pinanggalingan. At sila, maliban sa mga may criminal records at banta sa seguridad ng bansa, ay pinahihintulutang makapagtrabaho nang ligal sa Us. Pinalawak din ni Obama ang naturang programa upang mapabilang ang mga kabataang migrante na dumating sa Us noong sila ay mga bata pa.

Ang mapangahas subalit makabuluhang aksiyon ni Obama ay kaagad inalmahan ng kanyang mga kritiko, lalo na ang mga pulitiko mula sa Republicans, ang mahigpit na katunggali ng kanyang lapiang Democrats. iginiit na ang naturang aksiyon ay labag sa batas at sila ay nagbanta na magsasampa ng impeachment case o pagpapatiwalag sa

tungkulin.

National

Mula magnitude 5.9: Lindol sa Southern Leyte, ibinaba sa magnitude 5.8

Hindi dapat ikabigla ang bagong hakbang na ito ni Obama na nakatuon sa pagdamay sa undocumented immigrants laban sa pinangangambahang deportasyon at sa kahirapang makahanap ng tranaho sa Us. isinagawa na rin ito ng mga naunang Presidente. Noong 1986, halimbawa, nilagdaan ni President Ronald Reagan ang isang amnesty bill na nagkakaloob ng legal status sa tatlong milyong undocumented immigrants. Noong 1990, pinahintulutan naman ni George Bush ang 1.5 milyong undocumented wives and children ng mga migrante upang sila ay maging legal permanent residents ng Us.

Ang nasabing utos ni Obama ay marapat lamang ipagbunyi ng 300,000 undocumented Filipino, kabilang na si Val. ito ay isang patunay na ang Us ay isang mapagmalasakit na bansa para sa mga migrante o mga nandarayuhan na ngayon ay hindi na magtatago.