Iniharap kahapon ng pulisya sa korte ang isang pinaghihinalaang miyembro ng Abu Sayyaf Group na naaresto bunsod ng kasong kidnapping with serious illegal detention sa Zamboanga Sibugay.

Sinabi ni Senior Supt. Roy Bahiana, Zamboanga Sibugay Provincial Police Office (ZSPPO) director, naaresto ang suspek na si Bon Sarabpil, alyas “Von Kalbo,” sa may Barangay Poblacion, Imelda.

Itinuturo ang naarestong suspek na nasa likod ng ilang insidente ng pagdukot sa Zamboanga City at Basilan.

Lumalabas sa record ng pulisya, si Sarabpil ay tauhan ng Abu Sayyaf na nakabase sa Tuburan, Basilan na pinamumunuan ni Montong Pula at ang mga napatay kidnap gang leader na sina Ben Mungkay at Usman Lidjal.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

May direktang kaugnayan din umano ang suspek sa Zamboanga Sibugay kidnap gang leader Imam Yasin na nakabase sa bayan ng Alicia, at Waning Abdusalam, Umbol Kahal at Itting Abbas na naka-base naman sa Naga ng nasabing lalawigan.

Lahat ng mga nabanggit na mga kidnap for ransom gang leader ay may kaugnayan din sa mga bandidong Abu Sayyaf sa Basilan na may siyam pang hawak na bihag.