Umaabot sa 81 overstaying inmate mula sa iba’t ibang bilangguan sa bansa ang palalayaan ng Bureau of Corrections (BuCor). Ito ang inihayag ni BuCor director Franklin Bucayu, na nagsabing ang nasabing preso ay kabilang sa 1,738 na napalaya mula noong Enero hanggang Oktubre.

Ang mga palalayain ay mula sa National Penitientiary sa Muntinlupa, Correctional Institution for Women sa Mandaluyong, Davao Penal and Farm Colony, Iwahig Penal Farm, Sablayan Prison and Penal farm sa Mindoro, San Ramon Penal farm sa Zamboanga at Leyte Regional Prison.

Ang pagpapalaya sa mga presong ito ay makatutulong sa problema ng BuCor sa pagsisiksikan sa mga bilangguan sa buong bansa.

Inihalimbawa ng kagawaran ang national penitentiary na nakalaan lamang sa 8,700 katao pero sa ngayon ay may 23,000 preso ang nakakulong.
Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon