Nadakip ng awtoridad ang dalawang pinaghihinalaang carnapper matapos madiskubre ng isang dental assistant ang kanyang nawawalang motorsiklo sa website na ibinebenta ng mga suspek, sa isinagawang entrapment operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Ayon kay Senior Supt. Rhoderick Armamento, hepe ng Valenzuela Police, kasong carnapping ang kinakaharap nina Victoria Dela Paz, 36, at Joel Cadane, kapwa mga residente ng Ramirez Street, Novaliches, Quezon City.

Kuwento ng biktimang si Fredirick Castro, naninirahan sa Antonita, Barangay Marulas, Valenzuela City, ninakaw ang kanyang motorsiklo (3376-UJ) sa harap ng isang bar sa MacArthur Highway, Barangay, Marulas, bandang 12:00 ng hatinggabi noong Disyembre 14.

“Naisipan ko pong magbukas ng website na sulit.com tapos nakita ko yung ninakaw na motorsiklo ko na ibinebenta, ng mga suspek,” ani Castro.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Dahil dito, humingi siya ng tulong sa Anti-Carnapping Unit ng Valenzuela Police at ikinasa ang isang entrapment operation.

Tinawagan ni Castro ang telephone number na nakalagay sa website at sinabing bibilhin nito ang nasabing motorsiklo na nagkakahalaga ng P15,000.