Napabalita ang Cuba noong nakaraang linggo nang ianunsiyo nito at ng United States na wawakasan na nila ang limang dekadang Cold War at buhaying muli ang kanilang diplomatikong ugnayan. Inanunsiyo ito nina Pangulong Barack Obama ng US at Pangulong Raul Castro ng Cuba sa magkasabay na talumpati sa telebisyon.

Nakahabi ang ating kasaysayan sa islang bansa ng Cuba, gayong nasa kabila ito ng globo mula sa atin. Ang Cuba at ang Pilipinas ay bahagi ng Emperyong Kastila na nagsimula sa pananakop ng Spain noong ika-16 siglo. Noong ika-19 siglo, kapwa nagsikap ang Cuba at Pilipinas na alisin ang pamatok ng kolonyalismong Kastila sa halos parehong panahon – ang Cuba noong 1868-78 at noong 1890s, at ang Pilipinas noong 1896. Ang parehong kilusang rebolusyonaryo, gayunman, ay hinalinhan ng pag-angat ng US bilang isang world power.

Nagwakas ang emperyong Kastila sa Treaty of Paris noong 1898 nang isinuko ng Spain ang lahat ng karapatan nito sa Cuba, isinuko ang Puerto Rico at iba pang pag-aari sa West Indies, at isinuko ang Guam at ang Pilipinas sa US.

Naagnas ang ugnayang US-Cuba matapos maluklok si Fidel Castro noong 1959, na may mga polisiya na kabilang ang nationalization ng pribadong industriya at komersiyo at eksplorasyon ng mga negosyong Amerikano at mga sakahan. Naputol ang diplomatikong ugnayan noong 1961. Sa taon na iyon, lihim na inarmasan ng US ang libu-libong presong Cuban na umabot sa Bay of Pigs ngunit natalo ng armadong puwersa ni Castro. Nagsimulang bumili ng mga sandata ang Cuba mula sa Soviet Union noong 1962, muntik nang magkaroon ng nuclear war ang daigdig nang matuklasan ng US na mag-estasyon ang Soviets ng nuclear missiles sa Cuba na nakatutok sa mga lungsod sa Amerika.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

Lumipas ang krisis nang baklasin ng Soviets ang kanilang missiles habang iniurong ng US ang kanilang nuclear weapons sa Turkey. Ngunit patuloy na nagdusa ang ugnayang US-Cuba – hanggang nitong linggo nang si Raul Castro, na humalili sa kanyang kapatid noong 2008, at si Obama ay humantong sa kanilang makasaysayang kasunduan na wakasan na ang limang dekadang alitan.

Katanggap-tanggap para sa atin ang malaking hakbang na ito para sa kapayaan na tinupad ng dalawang kaibigang ito ng Pilipinas. Hindi na mahalaga ngayon para sa daigdig ang pagkakaiba ng pananaw ng dalawa na dating nag-udyok ng pagkamuhi sa isa’t isa. Totoo ngang panahon na upang wakasan ang alitan ng dalawang bansang ito na muntik nang mauwi sa World War III noong 1962. Panahon na upang mag-move on sa bagong panahon ng mas mahigpit na ugnayan at kooperasyon para sa kanila at para sa buong daigdig.