TRECE MARTIRES CITY, Cavite – Nagpatiwakal noong Sabado ang isang tricycle driver makaraang magbigti sa kanyang bahay sa Sitio Katangan, Barangay Aguado, sa siyudad na ito.

Isang Armando H. Samalia, 37, ang idineklarang dead on arrival sa Gen. Emilio Aguinaldo Hospital matapos siyang isugod doon ng nakatatandang kapatid na si Ereneo.

Natagpuan ni Ereneo, 41, si Armando na nakabigti sa kanilang bahay dakong 8:00 ng gabi.

Hindi pa malinaw ang dahilan sa pagpapakamatay ni Armando.

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte

Gayunman, sinabi ni PO1 Eduardo B. Reyes na nag-iwan ng suicide note, isang litrato at isang driver’s license si Armando sa bahay. (Anthony Giron)