Robin-Padilla-copy-398x500

HINDI lamang taas-kamay kundi taas pati dalawang paa ko sa paghanga kay Robin Padilla ngayong nagpo-promote siya ng pelikula niyang Bonifacio Ang Unang Pangulo para sa Metro Manila Film Festival.

Punong-puno siya ng emosyon tuwing magsasalita sa TV, radio at lalung-lalo na sa one-on-one interviews ng pinakamamahal niyang movie reporters na siyang tunay na nakakakilala at nakakaunawa sa tunay na Robin Padilla, ang “Robinhood ng Pelikulang Pilipino.”

Abot-langit din ang pagpuri niya sa pagkaganda-gandang si Rina Navarro, isa sa dalawang producers ng pelikula, dahil sa paghihimutok nito nang mabalitaang inaaral niya (Robin) ang buhay ni Jose Rizal.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

“Hindi ikaw si Jose Rizal,” sigaw ni Rina, “ikaw si Andres Bonifacio.”

Nakarating kay Robin ang alingawngaw ng boses ni Rina at napagtanto niyang tama ang sinasabi nito. At pinatunayan din ni Rina na gagawin ang lahat ng kanyang makakaya para matiyak ni Robin na siya nga ang una at huli nilang choice kapag natuloy ang pag-produce nila ng tunay na kasaysayan ng unang pangulo ng ating bansa.

Kung tutuusin, angkan ng mga dating konkestadores ang pinanggalingan ng executive producers nito, pati na rin ang director na si Enzo Williams. Pero, mulat na mulat na ang kanilang mga mata na ipaalam sa lahat ang tunay na kasaysayan at hindi ang maling pagkakakilala natin sa tinatawag ni Robin na “Andres Bonifacio, Atapang Atao!”

“Dito sa pelikula namin, itatama natin ang maling kasaysayan,” saad ni Robin. “Ako, nalulungkot dahil marami tayong hindi alam tungkol sa sarili nating bayan, sa sarili nating mga bayani.

“Tama si Madam Rina, mas malapit ang buhay ko kay Andres Bonifacio at hindi kay Jose Rizal na narito din sa kasaysayan at ginagampanan ng kaibigan kong si Jericho Rosales.

“Hindi ko hihimayin ang dapat malaman ng madlang pipol dahil mas makulay kapag napanood. Makabayan at maka-Bonifacio si Direk Enzo, kahit Amerikano ang kanyang ama. Hiling niya sa mga producers na kunin niya ang serbisyo ng award-winning production team na kinabibilangan ng cinematographer na si Carlo Mendoza, production designer na si Roy Lachica, music scorer na si Von de Guzman at Hollywood stunt director na si Sonny Sison.

“May ‘sayad’ din ang director ko, tulad ko, dahil hindi siya pumayag na hindi ibigay sa kanya ang mga kailangan para matupad ng pangarap niyang pelikula.

“Actually, tulad ko, hindi lang ‘sayad,’ kundi may ‘sapi’ ang director ko, dahil, nakukuha niya ang kanyang gusto basta gastusan lang ang pelikulang magpapabago ng ating kasaysayan,” patuloy ni Robin.

“Hindi dahil Teen King ang pamangkin kong si Daniel Padilla, basta isasalang ko siya sa isang role para pasukin lang ng mga fans niya ang pelikula.

“Itinuring ng pamangkin ko, kahit “Teen King pa siya na ang imulat din ng mga katulad niya, at kaedad niya, at magsisilbing simbolo siya, si Jasmine Curtis, Vina Morales at Eddie Garcia ang ugnayan ng kasaysayan at ng bagong henerasyon.”

Sugod, Robin!