Nakiusap si Pangulong Benigno S. Aquino III sa publiko na iwasang magpaputok sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Ayon kay PNoy, hindi napatutunayan sa mga paputok ang kahalagahan o kaligayahan ng pagsalubong sa Bagong Taon, kundi sa masayang pagsasama at pagkakasundu-sundo ng pamilya.
Sinabi ng Pangulo na wala namang maidudulot na mabuti ang pagpapaputok sa pagsalubong sa Bagong Taon at nagdudulot pa ng pinsala at panganib, gaya kapag nasabugan, bukod pa sa nakaaapekto rin sa pandinig ang sobrang ingay at masama sa kalusugan ang paglanghap ng usok mula sa mga ito.
Gayunman, aminado ang Pangulo na maaaring matagalan pa bago tuluyang maalis sa tradisyong Pilipino ang nakagawiang pagpapaputok sa pagsalubong sa Bagong Taon, pero umaasa siyang unti-unti nang mababawasan o maiiwasan ito.