SA isang pahayag ni TV5 President/CEO Noel Lorenzana, kanyang inireport na lumago ng 10% ang Kapatid Network ngayong 2014, bagamat tatlong malalaking big stars ang nawala sa kanila.

Hindi na nag-renew ng kontrata si Aga Muhlach nang mag-expire ito noong nakaraang Marso. Iniwan naman nina Sharon Cuneta at Nora Aunor ang TV5 kahit na meron pa silang existing contract.

Nalungkot si Mr. Lorenzana sa pag-alis ni Sharon, “(Kasi) May pinagsamahan din kami,” aniya.

Pero malawak ang pang-unawa niya kina Nora at Sharon.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

“In the end, in every endeavor you go through, you have to work for a win-win situation. All entities will find their future. I think things will turn out well,” sey ng Kapatid Network big boss.

Ayon naman kay Ms. Wilma Galvante, head ng TV5 entertainment, naiintindihan niya na mas matimbang sa puso ng superstar ang paggawa ng indie films.

“I saw this in the course of her contract. Gusto muna ni Ate Guy na magpelikula. Nu’ng nag-expire ang contract niya, hindi na kami nakapag-usap for renewal,” sabi ni Ms. Galvante.

Sabi naman ng Kapatid’s lady boss tungkol kay Aga, hindi na ito nag-renew ng kontrata dahil sa inaasahang reprogramming ng network.

“It was a business decision, and TV5 opted to offer Aga program contracts for 2014 which he didn’t accept.

We respect that. Ang usapan namin, ‘pag may maayos and solid na progams for Aga, we will sit down.”

Ayon sa manager ni Aga na si Ethel Ramos, naging maayos ang pag-uusap ni Aga at ng Kapatid network execs sa ‘di nito pag-renew ng kontrata at nangakong babalik sa TV5, kapag siya’y handa na.

Samantala, ipinagmamalaki ng TV5 ang mga bago nilang programa sa taong 2015, ang Hi-5 Philippines na local edition ng world-famous children’s show, ang lifestyle reality show na Happy Wife, Happy Life, ang showbiz-fashion-lifestyle program na ES at ang reality show na Extreme Challenge: Kaya Mo Ba ‘To.

Inihahanda na rin ang reality shows na Rising Stars, Last School Standing at Move It: Clash of the Street Dancers.

Ilo-launch din ang show ni Gelli de Belen na Solved Na Solved, at ang show ng sikat si Papa Jack na Call Me Papa Jack.

Kaabang-abang din ang TV5 project, katuwang ang Quezon City government, na Happy sa 2015: The Philippine New Year Countdown.