Ipatutupad sa Enero ang taaspasahe sa Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT), ayon sa

Department of Transportation and Communications (DoTC).

“It’s a tough decision, but it had to be made. It’s been several years since an increase was proposed.

We delayed its implementation one last time until after the Christmas season. While 2015 will see increased fares, it will also see marked improvements in our LRT and MRT services,” pahayag ni DoTC Secretary Emilio Abaya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Binanggit ng kalihim na P11 ang base fare at piso ang dagdag sa kada kilometro sa MRT 3 at LRT 1 at 2.

Sinabi ni Abaya na huling nagtaas ng pasahe sa mass transport noong 2003 at pinagsikapan ng gobyerno na balikatin ang gastusin sa operational cost, lalo ang subsidiya na P12 bilyon kada taon, at inflation sa nakalipas na mga taon.

Umaasa si Abaya na bubuti ang serbisyo ng mass transport dahil gagamitin ang malilikom na halaga sa fare hike para pagandahin ang pasilidad at gamit dito.

Kumilos naman agad ang Train Riders Network (TREN) at inihanda ang petisyon para kuwestiyunin sa Supreme Court ang naturang fare hike.

“The reason why fare hikes have been overwhelmingly opposed and always delayed is simple: They are unjustified,” pahayag ni James Relativo, tagapagsalita ng TREN.

Aniya, pinag-aaralan ng kanilang abogado ang karampatang hakbang.