Nakasalalay kay Justice Secretary Leila de Lima ang kapalaran ni Bureau of Corrections (BuCor) Director Franklin Bucayu kaugnay ng pagkakadiskubre kamakailan ng matataas na kalibre ng baril, limpak-limpak na pera, magagarbong kagamitan at ilegal na droga sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City.

Ito ay matapos ihayag ng Palasyo na ipinauubaya na nito kay De Lima ang magiging aksiyon kay Bucayu bilang BuCor chief.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na si De Lima ang may saklaw sa BuCor kaya ayaw nila itong Quismoriopangunahan kaugnay ng ipatutupad na reporma sa pangangasiwa ng NBP.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Hanggang ngayon, patuloy pa ang assessment ni De Lima sa mga taong direktang nangangasiwa sa piitan, at nakasalalay dito kung tuluyang sisibakin si Bucayu.

Pinangunahan ni De Lima, kasama ang mahigit 100 tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI), ang pagsalakay kamakailan sa maximum security ng NBP na nagresulta sa pagkakadiskubre sa magagara at marangyang pamumuhay ng 19 na convicted drug lord at pagkumpiska ng mga armas, salapi at ilegal na droga mula sa mga ito.

Sa ikalawang pagsalakay ni De Lima sa NBP, iba’t ibang baril pa ang nakumpiska na pag-aari ng mga kilalang personalidad, gaya ng Walther PPK, na nakarehistro kay Guimaras Rep. Joaquin Carlos Rahman Nava; Bushmaster 5.56-mm rifle na nakapangalan kay Carlos Tuquia, kumandidato sa ilalim ng Liberal Party (LP) bilang kongresista sa second district ng Valenzuela City; Browning 9-mm handgun na nakarehistro kay Avelino Dalimocon Nicanor, isang kawani ng gobyerno na may koneksiyon sa BuCor; at Taurus 9-mm (Serial No. TBU1297) na nakapangalan kay Vicente Tan Alindada Jr., konsehal sa Barangay 8 ng Caloocan City.