Idinagdag ng Philippine Sports Commssion sa Laro’t Saya sa Luneta “Play ‘N Learn” sa isasagawa nitong libreng 3-in-1 sportsfest ang Football at Volleyball Challenge sa tampok na Zumba Marathon sa darating na Disyembre 28 Rizal Park.
Isasabay ang football at volleyball challenge sa Zumbathon na sisimulan mula alas-5:30 hanggang alas-8 ng umaga kung saan nakataya ang kabuuang P24,000 cash prizes at 50 raffle items sa nilimitahan lang sa 500 kalahok upang masiguro ang kapakanan ng mga sasali.
Nagtakda din ng P3,500 papremyo sa soccer na magtatampok sa apat na teams mula sa Laro’t Saya sa Luneta at P3,500 din sa volleyfest na paglalabanan ng tigalawang koponan mula sa Laro’t Saya sa Kawit, Cavite at Laro’t Saya sa Luneta Park.
“This is a culminating activity natin para doon sa nagpa-participate sa ating program sa buong taon. One day activity lang ito para maipakita nila ang natutunan nila sa paglalaro habang pinag-aaralan ang gusto nilang sports,” sabi ni PSC-POC Laro’t Saya sa Parke (LSP) project manager Dr. Lauro Domingo, Jr.
Nakalaan ang premyong P2,000 sa top winners sa 18-40 at 41-55 age brackets para sa male at female divisions habang may P1,500 each sa ikalawa at tig-P1,000 sa ikatlo. Mayroon diin na P500 bawat isa para sa ikaapat at ikalimang mapipiling sa zumbathon.
May gantimpala rin sa Best in Costumes at Wackiest Dancers. P2,000, P1,000 at P500 naman ang ibibiyaya sa top three football at volleyball teams.
Ang mga nais sumali ay maaring humingi ng detalye kay Fred Joves sa 0929 261 5479 at 0915 577 6588 o mag-email sa laro’[email protected] at www.facebook.com/laro’tsaya.
Samantala, umabot naman sa 342 katao ang naki-Laro’t Saya sa Luneta kahapon na ang 178 ay sa zumba na pinamahalaan nina Myracle Ong at Mai Mai Condunato ng Zumba Fashionistas, Irene Alfonso, Lyn Saria at Sicobe Mendoza ng Echi Girls, Mynell Cabigon, Cezar Viduya at Mike Miguel habang 41 sa volleyball, 38 sa football na pinangasiwaan nina Josephine Loren at Merlie Acibar, 37 sa badminton, 32 sa chess na ginagabayan ni Cesar Caturla, 12 sa arnis sa pagtuturo ni Vicente Sanchez at apat ang nakipaggkaratedo kay national team member Ric Maanao.
Katuwang nina Laro’t Saya sa Parke project director Guillermo Iroy, Jr. at Domingo sa pagpapatakbo sa Luneta sina Julia Llanto, Belinda David, Caroline Tobias, Connie de Guzman, Mauricio Algodon, Jr., Sherwin Tan, Paul Ignacio, Rafael Eder, Reynaldo Samarista, Mamerto Madali at Eduardo Montalban.