NEW ORLEANS (AP) – Isang gabi matapos mangailangan ng Portland ng tatlong overtime upang makakuha ng panalo, tatlong quarters lamang ang kinuha ng Trail Blazers upang madispatsa ang New Orleans Pelicans kahapon.
Lumamang ang Portland ng 32 puntos patungo sa fourth quarter at walang hirap na nasungkit ang 114-88 na pagwawagi laban sa Pelicans upang kunin ang kanilang ika-10 panalo sa huling 12 laro.
‘’We knew that they were probably going to talk a lot about us having a triple overtime game last night,’’ sabi ni Portland point guard Damian Lillard. ‘’We knew we had to be locked in and that we had to make sure we created our own energy regardless of what we went through (Friday) night.’’
Gumawa ang forward na si LaMarcus Aldridge ng 27 puntos at 12 rebounds para sa two-night total na 59 puntos at 28 rebounds. Nagdagdag si Lillard ng 17 puntos at pitong assists.
At kapwa sila naglaro sa tatlong quarter lamang.
‘’That definitely helped,’’ sambit ni Lillard. ‘’Takes two of those overtimes away.’’
Dumating ang Trail Blazers (22-6) sa New Orleans ng alas-2 ng umaga matapos ang kanilang 129-119 triple overtime win laban sa San Antonio. Ang Pelicans (13-13) ay hindi pa naglalaro mula nang manalo ng siyam na puntos sa Houston noong Huwebes.
Sa kabila, may natira pang enerhiya ang Portland at nakakita ng paraan upang malimitahan ang opensa ng New Orleans, kabilang ang forward na si Anthony Davis. Ang Pelicans, tila ang mas pagod na koponan, ay nagkasya lamang sa 35 percent at nagkamit ng 17 turnovers.
Matapos umiskor ng 31 puntos sa unang paghaharap ng dalawang koponan ngayong season, si Davis ay nagkasya lamang sa 3-for-14, umiskor lamang ng pitong puntos at humila ng anim na rebounds at limang blocked shots.
“‘I tried to bump him and get him out of his rhythm and let him know that I’m going to be there any moment he tries to shoot the ball,’’ ani Portland forward Joel Freeland, na binigyan ng hamong bantayan si Davis.
Ang Portland ay naka-shoot ng 53 percent, nagpasok ng siyam na 3-pointers at na-outscore ang New Orleans ng walo mula sa loob.
‘’We haven’t played like that, especially at home, or like this at the same time we played against a really good team who understood the moment,’’ lahad ni Pelicans coach Monty Williams. ‘’I think they are making a statement tonight and I think we didn’t respond well.’’
Maagang inumpisahan ni Aldridge ang rout.
Naiskor niya ang siyam sa unang 12 puntos ng Portland, upang bigyan ang Trail Blazers ng 14-4 abante. Nagtapos siya na may 13 first quarter points, at nagmintis sa tatlo lamang ng kanyang unang siyam na attempt upang umpisahan ang laro.
Lumamang ang Portland ng 18 sa halftime, itinulak ang kalamangan sa 20 sa 21-footer ni Aldridge sa third quarter at hindi nagpahabol sa kabuuan ng laro.
‘’I don’t know if surprise is ever the right word because I know what we’re capable of doing but I was very pleased with the energy that we came out of the gate with,’’ sabi ni Portland coach Terry Stotts. ‘’It would have been easy to expect maybe a sluggish start, but the starters were really locked in and set the tone.’’
Pinangunahan ni Austin Rivers ang New Orleans sa kanyang 21 puntos mula sa bench habang nagdagdag ang reserve forward na si Ryan Anderson ng 16 puntos para sa Pelicans.
Resulta ng ibang laro:
Phoenix 99, New York 90
Charlotte 104, Utah 86
Atlanta 104, Houston 97
Dallas 99, San Antonio 93
Denver 76, Indiana 73
LA Clippers 106, Milwaykee 102