Reuters – Naospital ang boxing legend na si Muhammad Ali dahil sa pneumonia at inaasahang makakarekober dahil maagang na-diagnose ang sakit, ayon sa isang spokesman kamakalawa.
Si Ali, 72, ay dinala sa isang ospital Sabado ng umaga at ginagamot ng isang grupo ng mga doktor at nananatiling nasa stable condition, sabi ng tagapagsalitang si Bob Gunnell.
“Because the pneumonia was caught early, his prognosis is good with a short hospital stay expected,” ani Gunnell sa isang statement.
Hindi na siya nagbigay ng iba pang detalye tungkol sa kalagayan ng boxer at sinabing humihiling ang pamilya ni Ali ng privacy.
Ang boxing great, na mayroong Parkinson’s disease, ay dumalo sa isang public appearance noong Setyembre sa isang seremonya sa Louisville, Kentucky para sa Muhammad Ali Humanitarian Awards.
Isang three-time world heavyweight champion, si Ali ay na-diagnose na may Parkinson’s may tatlong taon makaraang magretiro mula sa boxing noong 1981.