HINDI naman masamang mangarap dahil sabi nga, libre ang mangarap.

Pero mukhang sumobra ang pangarap ng aktor na hindi mo malaman kung seryoso sa nililigawang babae o hindi dahil mahilig naman siyang mag-deny.

Naikuwento ng non-showbiz girl na nagparamdam sa kanya ang aktor na mabait naman daw talaga at wala naman siyang mairereklamo sa ugali dahil magalang at gentleman, pero hindi naman daw sapat ang mga katangiang ito ng aktor para magustuhan niya.

Matagal nang magkakilala ang non-showbiz girl at ang aktor dahil may common friends sila kaya lumalabas ang grupo nila hanggang sa nagparamdam ang huli.

Probinsya

Pagpapapako ni Ruben Enaje sa krus, matutuldukan na ngayong taon?

Inobserbahan pa ng non-showbiz girl ang aktor at may mga nakita siyang butas na sigurado niyang hindi niya magugustuhan dahil nga sa kinalakihang kultura bukod pa sa super rich ang girlalu.

Unang napansin ay hindi sila pareho ng lengguwaheng kinalakihan, pangalawa ay may ibang prayoridad ang aktor bukod pa sa isyung may gay benefactor, kaya tinapat na ng non-showbiz girl na ‘friendship’ lang ang puwede niyang ibigay.

Okay naman daw ngayon si Aktor at si Non-Showbiz Girl dahil minsan nagkakasama pa rin sila sa gimikan kasama ang ibang friends pero hindi na nga lang nag-uusap, hanggang ‘hi and hello’ na lang.

Dedma na, Bossing DMB kung sino si Aktor dahil hindi rin naman siya nagma-matter sa showbiz, he-he-he.