Mga laro sa Enero 7 (Blue Eagle Gym):

9am – FEU vs UE

11am – NU vs UST

1pm – DLSZ vs UPIS

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

3pm – ADMU vs AdU

Winakasan ng Ateneo de Manila ang 22-game winning streak ng defending champion National University nang pataubin nito anag huli , 66-64, sa pagtatapos ng unang round ng UAAP Season 77 juniors basketball tournament sa Blue Eagle Gym.

Isang lay-up ni Mike Nieto sa nalalabing 2.5 segundo ng laro laban sa bumabantay sa kanyang si Justine Baltazar ang siyang nagsilbing wining basket para sa blue Eaglets at bumasag sa huling deadlock ng laban sa 64-all.

May tsansa pa sanang makabig ng Bullpups ang tagumpay ngunit nagmintis ang ipinukol na corner 3-pointer ni Alfred Calma kasabay ng pagtunog ng buzzer na nagsilbing pormal na deklarasyon ng first round sweep ng Ateneo matapos ang pitong laban.

Dahil sa kabiguan, bumaba ang NU sa ikalawang posisyon taglay ang barahang 6-1, panalo-talo.

Nagtapos na topscorer para sa Ateneo si Jolo Mendoza na may 20 puntos bukod pa sa anim na rebounds habang nag-ambag naman ng 15 puntos ang kakambal ni Mike Nieto na si Matthew.

Nawalan naman ng saysay ang double-double na 19 puntos at 16 na rebounds na itinala ni Mark Dyke para sa Bullpups dahil nabigo niyang maisalba ang koponan sa kabiguan.

Sa iba pang mga laro, kapwa naman umiskor ng tig-18 puntos sina Aljun Melecio at Joaquin Banzon upang pamunuan ang De La Salle-Zobel sa paggapi sa Far Eastern University-Diliman, 55-50, upang tumapos na pangatlo na hawak ang barahang 5-2, panalo-talo.

Sanhi naman ng pagkatalo, ang Baby Tamaraws na pinamunuan ni Marvin Lee na nagtapos na may 12 puntos ay bumaba sa ika-apat na puwestso hawak ang 4-3 na kartada.

Nagsalansan naman ng 29 puntos si Frederick Tungcab para sa Adamson University nang kanilang payukurin ang University of the Philippines Integrated School,56-50 para umentra sa second round na nasa panglimang puwesto taglay ang barahang 3-4 panalo-talo.

Nakamit naman ng University of Santo TOmas ang ikalawang panalo kontra limang talo nang kanilang igupo ang University of the East, 77-66.

Dahil sa kanilang kabiguan, bumaba ang Junior Maroons sa barahang 1-6 panalo-talo habang tumapos namang winless ang Junior Warriors sa first round.