NEW YORK (AP) – Ang dalawang operatiba ng New York City Police na tinambangan at pinagbabaril habang lulan sa kanilang sasakyan noong Sabado ay “quite simply, assassinated”, at nagpaskil pa ang suspek ng mga anti-police post sa Instagram, ayon sa police commissioner.

Ayon kay William Bratton, binaril nang walang babala sina Liu Wenjin at Raphael Ramos. Pagkatapos nito, nagtatakbo ang suspek na si Ismaaiyl Brinsley sa loob ng isang subway station at nagbaril sa sariling ulo.

Nauna rito, aniya, ay binaril ni Brinsley ang nobya nito noong Sabado ng umaga sa Baltimore at nagpaskil sa Instagram account ng nobya: “This may be my final post”, kalakip ang litrato ng isang baril na silver.
National

Mga nagpakalat ng fake news tungkol sa 'petisyon,' lagot sa Korte Suprema!