Sugatan ang 16 na katao matapos magkarambola ang aabot sa 14 na sasakyan sa Barangay Poliwes sa Baguio City noong Sabado ng kagabi.

Ligtas na ang mga sugatang biktima na kinilala ng B

aguio City Police Office na sina Mary-anne Leganio Sacla, 30; Mary Grace Lopez Dulay, 38; Hanna Aguinaldo Aparri, 41; Lheanne Tikangan Bayo, 9; Wynn Melody Sumalbag Aguinaldo, 36; Jessica Bayo Cayat, 21; Nash Nathaniel Estupido Daluyen, 6; Eden Docyogen Molintas, 37; Soledad Bulgan Colpita, 52; Lorgie Daluyen, 8; Linda Maranes; Marites Villareal Esmabe, 42; Riza Musico, 37; Terisita Mariñas Arabis at Carla Dante.

Posible naman maputulan ng paa si Jose Sacla Paguli, 30, driver ng Isuzu Elf truck at residente ng Atok Trail, Loakan, Baguio City, matapos siyang maipit sa sasakyan.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Ayon sa report ni Supt. Evelio Degay, hepe ng Traffic Management Branch ng Baguio City Police Office, nawalan ng preno ang six-wheeler truck na kargado ng mga tangke ng gas at inararo nito ang 13 sasakyan.

Sinabi ni Degay na aabot sa may 250 metro ang tinakbo ng six-wheeler truck bago ito huminto makaraang mabangga ang mga sasakyan.

Posibleng maharap sa kasong reckless imprudence resulting to damage to property and multiple physical injuries ang driver ng nasabing truck.

Nagpapagaling pa sa Baguio General Hospital and Medical Center ang mga nasugatan.