Hiniling kampo ni dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) governor Zaldy Ampatuan sa korte sa Quezon City na payagan siyang makapagpiyansa sa kasong murder na may kinalaman sa Maguindanao massacre.

Noong Biyernes, nagharap ang kampo ni Ampatuan ng kanilang pormal na alok ng ebedensiya para suportahan ang kanyang bail petition.

Sa 52-pahinang dokumento na isinumite ng mga abogado ni Ampatuan mula sa Heffron Esguerra Dy & De Jesus (HEDJ) law firm, iginiit na dapat payagan na makapagpiyansa ang kanilang kliyente dahil wala namang matibay na ebidensiya ang prosekusyon na nagdidiin kay Zaldy Ampatuan kaugnay sa masaker.

Kasama sa formal offer of evidence na naisumite ng kampo ni Ampatuan sa korte sa QC ang 21 exhibits at credible testimonies ng 15 witnesses na nagsasabing wala sa Maguindanao si Zaldy Ampatuan nang maganap ang masaker.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Iginiit naman ng prosekusyon na si Zaldy Ampatuan ay isa sa mga umano’y nakiisa sa pagpaplano sa pagsasagawa ng krimen.