Isasara ang ilang kalsada sa Maynila simula sa susunod na linggo kaugnay ng kabi-kabilang selebrasyon sa siyudad ngayong Christmas season.

Simula 1:00 ng hapon sa Disyembre 23 ay isasara ang northbound lane ng Roxas Boulevard mula sa P. Ocampo hanggang sa TM Kalaw para sa parada ng 2014 Metro Manila Film Festival.

Pinapayuhan ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) ang mga motoristang magmumula sa katimugan ng Maynila na kumanan sa P. Ocampo patungo sa northbound lane ng Roxas Boulevard. Ang mga westbound naman sa President Quirino ay dapat na kumaliwa sa Adriatico, kanan sa P. Ocampo at kaliwa sa FB Harrison.

Simula 6:00 ng umaga naman sa Disyembre 30 ay hindi na madadaanan ng mga motorista ang north at southbound lane ng Roxas Boulevard, mula sa Katigbak Street hanggang sa TM Kalaw.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang lahat ng pa-northbound ng Roxas Boulevard ay dapat na kumanan sa TM Kalaw at kaliwa sa Ma. Orosa, samantala ang mga pasouthbound mula sa Delpan Bridge ay pinakakaliwa sa P. Burgos at kanan sa Ma. Orosa.

Ang mga manggagaling sa McArthur Bridge, Jones Bridge at Quezon Bridge na pa-southbound ng Roxas Boulevard mula sa P. Burgos ay pinadadaan sa roundtable, diretso sa Ma. Orosa o sa Taft Avenue.

Sa Disyembre 31 ay isasara ang north at southbound lane ng Roxas Boulevard mula sa Pedro Gil hanggang President Quirino para sa New year countdown.

Ang mga manggagaling sa hilagang Maynila na pa-southbound ng Roxas Boulevard patungong CCP area ay dapat na kumaliwa sa Pedro Gil, kanan sa MH Del Pilar at kanan sa President Quirino. (Jenny F. Manongdo)