Kahit walang kasiguraduhang papayagang sumali ng Philippine Olympic Committee (POC), nagsumite pa rin ng kanilang komposisyon sa men’s at women’s indoor volleyball ang Philippine Volleyball Federation (PVF) upang lumahok sa 28th Singapore Southeast Asian Games.

Sinabi ni PVF secretary general Dr. Rustico “Otie’ Camangian na bilang pagtugon sa proseso ay isinumite ng PVF ang binuong Philippine men’s volley team na tinaguriang Bagwis at ang women’s team na kinikilalang Amihan para sa posibilidad na maiprisinta ang Pilipinas.

“Like a good soldier following order from higher ranks, nagsubmit kami ng line-up para sa Singapore SEA Games,” sinabi ni Camangian, kasama ang pangulo ng PVF na si Karl Chan, para sa binuong men’s at women’s team na sinusuportahan ng higanteng korporasyon na PLDT.

Gayunman, nasa balag ng alanganin ang paglalaro ng binuong pambansang koponan bunga ng kawalan ng pagkilala at rekognasyon ng namamahalang komunidad ng sports sa bansa na POC.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“We are trying to work things within the bound of the laws of the land,” giit ni Camangian.

“Sinusunod naman namin ang gusto nilang proseso. Kapag hindi nila tinanggap, it is up to them. We had been trying to reach them to explain our side on the issues surrounding the PVF pero hindi na nila kami kinakausap,” sabi pa nito.

Matatandaan na itinatag ng PVF ang men’s at women’s national team, matapos ang siyam na sunod na taong walang pambansang koponan na sumasabak sa internasyonal na torneo, upang paghandaan ang gaganaping 28th Southeast Asian Games sa Singapore sa Hunyo 5-16, 2015.

Huling nagkaroon ng pambansang koponan sa volleyball noong 2005 kung saan ay nag-uwi ang women’s team ng tansong medalya. Nabuo naman ang men’s at women’s team nitong Nobyembre bago lumutang ang kontrobersiya sa liderato ng asosasyon.