Pinal na ang pagbibitiw ni Health Secretary Enrique Ona matapos itong tanggapin ni Pangulong Benigno S. Aquino III.

Unang naghain ng leave of absence si Ona para magkaroon ng sapat na paliwanag hinggil sa kinasasangkutang anomalya sa mga bakuna.

Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, tinanggap kamakalawa ng hapon ni Pangulong Aquino ang resignation ni Ona na sumasailalim sa imbestigasyon ng Department of Justice (DoJ).

Magugunitang nag-alsa balutan na si Ona sa kanyang tanggapan at nagdesisyon ng magbitiw sa puwesto.

Pagdagsa ng mga pasahero sa PITX, inaasahang papalo ng 3 milyon ngayong holiday season!

Itinalaga naman bilang acting Secretary si Janette Garin.