KIDAPAWAN CITY – Patay ang isang 40-anyos na lalaki na aksidenteng nakalunok ng isda habang namamalakaya siya sa isang ilog sa lungsod na ito noong Biyernes.

Kinilala lang ang biktima sa pangalang Colin, ng Barangay Amas, Kidapawan City.

Sinabi ni Barangay Amas Chairman Alexander Austria na nangingisda ng “puyo” sa Mateo River si Colin kasama ang ilang kapitbahay gamit ang electrofishing equipment—na de-baterya at nagkukuryente sa mga isda.

Ayon kay Austria, pauwi na ang grupo ni Colin nang sa hindi pa batid na dahilan ay inilagay nito ang isa sa mga huling isda sa sariling bibig, pero dumiretso ito sa lalamunan at nahirapang magsalita at huminga ang biktima.

National

Nasa 18M graduates ng high school noong 2024, hindi 'functional literate'

Ibinibiyahe sa dagat si Colin patungong ospital nang bawian ito ng buhay. - Malu Cadelina Manar