LUPAO, Nueva Ecija - Nabahiran ng dugo ang masayang Christmas party ng magkakapatid makaraang mapatay ng nakatatanda ang kanyang kapatid sa likod bahay na pinagdausan ng kasiyahan sa Barangay San Roque ng bayang ito noong Biyernes.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Amando Mendez, 46, habang pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Judi Mendez, 52, kapwa residente ng nasabing lugar.

Nabatid na masayang nag-iinuman ang magkakapatid na Mendez nang biglang magkapikunan sina Amando at Judi hanggang pagtatagain ni Judi ang kapatid, na umano’y lasing na lasing.
Eleksyon

Makabayan senatorial bets, winelcome ni Ex-VP Leni sa Naga