BAGUIO CITY – Inaasahan na ang patuloy na pagbaba ng temperatura na magdudulot ng malamig na panahon hanggang sa Pebrero, ayon sa Philippine Atmospheric Geohysical and Astronomical Services Adminstration (PAGASA)-Cordillera.
Nagsimulang bumaba ang temperatura noong Huwebes, dakong 5:30 ng umaga sa 12.0 degree Celcius at muling naitala ang lamig na ito nitong Biyernes, dakong 6:00 ng umaga.
“Expected na natin ito tuwing huling lingo ng Disyembre, bago sumapit ang Pasko ay ang napakalamig na panahon sa Baguio at karatig-bayan, dulot ng cold front patungo sa ating bansa mula sa Siberia. Dahil sa mataas ang ating lokasyon ay mas nararamdaman dito ang malamig na amihan,” ani Danny Galati, meteorologist ng PAGASA. - Rizaldy Comanda