"Huwag kang magnakaw” – ito ang isa sa Sampung utos ng Diyos na Kanyang ibinigay sa Mount Sinai, na nakatala sa aklat ng Exodo sa Lumang Tipan ng Biblia. Ito ang nakatatak sa mga T-shirt na inihimok ni Manila archbishop Luis antonio Cardinal Tagle sa mga mananampalataya na isuot sa kanyang mensahe sa pagsisimula ng Simbang gabi sa Manila Cathedral noong Martes, Disyembre 16.

Mula nang ilantad ng Senado ang pagnanakaw ng bilyun-bilyon ng pondo ng bayan sa pork barrel system ng gobyerno, naging sobrang sensitibo ng bansa sa mga isyu sa pondo na kinasasangkutan ng ilang opisyal ng pamahalaan. Dati nang kinokondena ang ilang opisyal sa umano’y pangungumisyon ng 10 hanggang 20 porsiyento sa pondo ng mga proyektong pambayan. ang exposé sa Priority Development assistance Fund (PDaF) ang yumanig sa bansa sa pagkalustay ng mahigit 100 porsiyento ang iniulat sa mga non-existent na mga proyektong pampubliko.

Magpahanggang ngayon, waring bawat opisyal ng gobyerno na may access sa pondo ng bayan ay pinanghihinalaan. ang mga kontrata ng gobyerno, gayong pirmado na, ay sinuspinde habang sumasailalim sa imbestigayson ng umano’y overpricing. Inakusahan ang maraming opisyal ng pagkamal ng mga ari-arian na ang halaga ay higit pa sa kanilang kapasidad na bilhin ang mga ito sa gamit ang kanilang mga suweldo mula gobyerno. Patuloy na sinususpetsahan ang lump-sum appropriations sa national budget bilang posibleng paghuhugutan ng pansariling interes at bilang pondo para sa eleksiyon.

Sa Simbang gabi, hinimok ni Cardinal Tagle ang isang grupo ng mga parokyano na nakasuot ng T-shirt na may tatak na “Huwag kang magnakaw” na lumibot sa simbahan “to remind all mass attendees not to streal”. Batid niya, siyempre, na ang kautusan ay laan, hindi sa mga nasa simbahan sa oras na iyon, kundi para sa mga nasa matataas na posisyon sa gobyerno na iniuugnay sa pork barrel scam, hanggang sa pangongolekta ng buwis, mga proyektong pampubliko, sa pinondohang non-existent na mga programa.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Ang “Huwag kang magnakaw” ay isa lamang sa Sampung utos ng Diyos. ang apat na iba pa ay may kinalaman sa pagsamba lamang sa Diyos at paggalang sa Kanyang pangalan at araw; ang isa naman ay para sa paggalang sa mga magulang. ang lima ay mga pagbabawal na pumatay, pakikiapid, pagsisinungaling, at pag-angkin ng pagaari ng iba. Ngunit parang ang “Huwag kang magnakaw” ang umaalingawngaw sa atin ngayon dahil sa napakaraming aganapan nitong mga nagdaang panahon.

Kaya pinili ito ni Cardinal Tagle sa kanyang mensahe sa Simbang gabi. Ito ay isang mensahe na kailangang dibdibin ng lahat ng may mabuting kalooban ngayong panahon ng Pasko ng kapayapaan, ng bagong buhay, at ng bagong simula.