PARIS (AFP) - Nagbigay ng detalye nitong Biyernes ang mga doktor na German kung paano nakatulong ang isang experimental drug, na sinabayan ng maselan at epektibong pag-aalaga, upang malunasan ang isang Ugandan doctor na may Ebola at ibiniyahe mula sa Sierra Leone.

Ang prototype drug na FX06, na dinisenyo upang pigilan ang haemorrhage, ay ibinigay sa pasyente matapos makakuha ang mga doktor ng special authorization mula sa ethics committee ng ospital, iniulat nila sa The Lancet.
National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA