IBAAN, Batangas – Agad na namatay ang isang dating barangay chairman na pinagbabaril sa Lipa City, Batangas.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Claro Magtibay, dating chairman ng Barangay Lucsuhin, Ibaan.

Ayon sa report mula kay Supt Jacinto Malinao, dakong 10:15 ng umaga noong Disyembre 18 nang pagbabarilin si Magtibay.

Sakay ng Toyota pick-up (TYK-705) si Magtibay nang barilin sa JP Rizal Street sa Barangay 6 ng lungsod.

Tumakas ang dalawang suspek na sakay ng motorsiklo.

National

'Binasag nang walang awang pagpatay kay Ninoy ang aking pagiging mangmang!'—Sen. Kiko

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pananambang.