Mula sa siyam na milyon, ang bilang ng mga botanteng nanganganib na hindi makaboto sa eleksiyon sa Mayo 2016 ay nasa limang milyon na lang.

Sinabi ni Commission on Elections (Comelec) Spokesman James Jimenez na mula nang simulan ang voters’ registration, ang bilang ng kulang o wala pang biometrics data ay nasa 5.02 milyon na ngayon.

“The #NoBioNoBoto campaign is gaining ground. From 9M at the start of #VoterReg2014, we’re now at 5.02M ppl w/ incomplete or no #BIOMETRICS,” tweet ni Jimenez (@jabjimenez).

Alinsunod sa RA 10367 (Mandatory Biometrics Registration Act), ang mga botanteng hindi makakapagsumite para ma-validate bago ang eleksiyon sa 2016 ay made-deactivate sa voters’ list at tuluyan nang hindi makaboboto.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Disyembre 17 nang ihayag ng Comelec na simula ngayong Linggo, Disyembre 21, ay pansamantalang ititigil ang voters’ registration hanggang sa Enero 4, 2015, kaugnay ng selebrasyon ng Pasko at Bagong Taon.

Maaaring makapagrehistro at magkumpleto ng biometrics data hanggang sa Oktubre 31, 2015. - Leslie Ann G. Aquino