BEIJING (Reuters) – Magtatayo ang China ng isang offshore observation network, kabilang na ang satellite at radar stations, upang palakasin ang maritime power ng bansa, iniulat ng official China Daily noong Biyernes, sa isang hakbang na maaaring magpalala sa tensiyon sa rehiyon.
Karamihan ng mga katabing bansa ng China, kabilang ang Japan, Pilipinas at Vietnam, ay nagpahayag ng pagkabahala sa military build-up ng China at nagiging assertive sa kanilang posisyon sa rehiyon.
Ang network, na tinawag ng opisyal mula sa State Oceanic Administration na “fundamental” sa pagpoprotekta sa maritime interests ng China, ay nakatakdang makumpleto sa 2020, ayon sa pahayagan.
Sasakupin ng network ang coastal waters, high seas at polar waters, ayon sa ulat, idinagdag na magtatayo rin sila ng undersea observation operations at tsunami warning stations.
Makatutulong ang network upang maisakatuparan ng China ang kanyang potential for resources sa marine areas nito, saad sa ulat. Hindi binanggit kung magkano ang magiging halaga ng pagpapatayo sa network.