Inihayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na agad nilang aaksiyunan ang mga inihaing petisyon ng bawas-pasahe sa bus at flag down rate sa taxi.

Ito ang napag-alaman sa LTFRB makaraan ang isinampang petisyon ni Negros Congressman at dating board member ng ahensiya na si Manuel Iway na gawing P8.00 ang minimum na pasahe sa bus at P30.00 ang flag down rate ng taxi

Ayon kay LTFRB Chairman Winston Gines, isasalang sa Enero 2015 ang mga petisyon ni Iway upang agad na matalakay bago dumaan sa proseso at mahingi ang posisyon ng mga operator ng bus at taxi Pangunahing basehan ni Cong Iway sa kanyang petisyon ang tuloytuloy na pagbaba sa presyo ng langis.

Una nang binawasan ng LTFRB ang P8.50 minimum fare na pasahe sa jeepney at ginawa itong P7.50 dahil sa tuloy-tuloy na pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo

Giit ni VP Sara, ginawa raw siyang 'punching bag' ng gobyerno para pagtakpan umano ang 'kalokohan' nito

Idinagdag pa ni Gines, dahil sa patuloy pa ang pagdinig para sa fare rollback sa jeep lalona at provisional increase pa lamang ang kanilang inaprubahan ay maaari pang bumaba ang pasahe.