Ni Malu Cadelina Manar
PARANG, Maguindanao – Pito katao ang malubhang nasagutan matapos sumabog ang isang granada sa bayang ito noong Biyernes.
Kinilala ng pulisya ang mga sugatang biktima na sina Jamila Tomas, Abdullah Tomas, Salahudin Tomas, Saima Raoro, Camlon Rairo, Sirikit Magayan at isang Lucman.
Pinaghahanap ngayon ng awtoridad si Sautoh Giti, ang itinuturong naghagis ng granada.
Ayon sa mga testigo, nasa gitna ng bangayan si Giti sa kanyang kinakasama sa pamilihang bayan nang bumunot ito ng isang granada at inihagis sa mataong lugar.
Lumitaw din sa imbestigasyon na inaakusahan ni Giti ang kanyang girlfriend na may kalukadidang na kanyang ikinagalit.
Sinabi rin ni Parang Mayor Ibrahim sa mga mamamahayag na nakarinig siya ng mga putok ng baril matapos sumabog ang granada.
Inaalam pa ng opisyal kung may kinalaman ang nangyaring pagpapaputok ng baril sa insidente ng pagpapasabog.