Isang malaking katanungan kung nasaan na ang dalawang opisyal at isang tauhan ng Highway Patrol Group (HPG) na wanted sa kasong pagpatay sa isang abogado at dalawang kasamahan nito matapos makumpirma na wala na ang mga suspek sa kustodiya ng Philippine National Police (PNP) headquarters sa Camp Crame sa Quezon City kahapon.

Wala sa kustodiya ng Philippne National Police PNP- HPG sina Senior Supt.Romualdo Iglesia, Senior Insp. Joselito Lerion at PO1 Alex Bacani. Nadiskubre ni Reg. Dir. Max Salvador ng National Bureau of Investigation (NBI) nawawala ang mga nasabing suspek.

Una nang ni-relieve sa puwesto ang tatlo at dinala sa Personnel Holding Administrative Section ng Highway Patrol Unit sa Camp Crame matapos na akusahang nagsabwatan umano sa pag-ambush sa prominenteng abogadong si Noel Archival.

Sinasabing ginamit pa umano ng tatlong pulis sa krimen ang impounded na sasakyan mula sa HPG compound.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kinumpirma ni Supt. Elizabeth Velasquez, tagapagsalita ng HPG, na wala na sa kanilang kustodiya ang tatlo.

Nabatid ang biktima ay kapatid ni Cebu City Councilor Nestor Archival ay umasa madarakip ang mga suspek gaya ng pagpapalabas ng warrant of arrest ni Judge Maximo Perez ng Regional Trial Court Branch 26 ng Argao City, Cebu. Nadismaya ang konsehal sa impormasyon na nakarating sa kanya na mistulang pinatakas pa umano ang mga suspek sa pagpatay ng kanyang kapatid.

Napatay si Archival kasama ang mga biktimang sina Candido Miñoza at Candido Miñoza, driver at himalang nakaligtas si Palo Cortes ng tambangan sila noong Pebrero 18, 2014.