Laro ngayon: (MOA Arena)

5 p.m. Talk `N Text vs. San Miguel Beer

Tatangkain ng San Miguel Beer na makuha ang 2-0 bentahe habang hangad naman ng Talk `N Text na maitabla ang serye sa muli nilang pagtatapat ngayon sa Game Two ng kanilang best-of-7 semifinals series sa PBA Philippine Cup sa MOA Arena sa Pasay City.

Sa pangunguna ng reigning MVP na si Junemar Fajardo at dating league MVP na si Arwind Santos na nakakuha ng sapat na suporta sa kanilang mga kakampi, partikular kina Alex Cabagnot, Marcio Lassiter, Cris Lutz, Ronald Tubid at Ronald Pascual, hangad nilang madugtungan ang napakagandang panimula para makamit ang tagumpay kontra sa Tropang Texters.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Gayunman, batid nilang mahaba pa ng kinakailangan bunuin bago marating ang asam na pagpasok sa finals at inaasahan na ni Beermen coach Leo Austria ang gagawing pagbawi ng kanilang katunggali.

``It’s just 1 game, I`m sure they (TNT) will bounce back,`` ani Austria. “They will do a lot of things to prevent Junemar (Fajardo) in getting to the shaded area,`` dagdag pa nito na tinukoy ang kanilang pambatong sentro at kasalukuyang namumuno sa Best Player of the Conference race na si Fajardo.

Nagposte si Fajardo ng game high na 23 puntos at 10 rebounds, bukod pa sa 3 assists, 1 steal at 2 blocks, habang nag-ambag naman si Santos ng 21 puntos, 8 rebounds, 3 assists at 2 blocks para pamunuan ang Beermen sa kanilang panalo.

Hindi naman itinago ni Austria ang kanyang respeto para sa Tropang Texters at sa kapasidad ng mga ito na makabalik.

``I respect Talk `N Text, they`re composed of a lot of experienced players and there`s no doubt that they are capable bouncing back,`` ayon pa kay Austria na muling nagbabalik sa PBA matapos ang mahabang panahon ng pamamalagi bilang isang collegiate coach at makaraang magwagi ng kampeonato sa Asean Basketball League para sa Beermen.

Sa kabilang dako, mistulang naubos sa kanilang nakaraang playoff match sa crowd favorite Barangay Ginebra, tiyak nang pag-aaralang mabuti ng Tropang Texters ang kanilang mga naging pagkukulang sa Game One at gawan ng kaukulang adjustment ang tropa para makabangon sa susunod na laban.

Matatandaan na walang gaanong naging suporta sina Ranidel de Ocampo at Danny Seigle na pawang naging magkabalikat para pangunahan ang Tropang Texters sa laban nila sa Game One.

Kaya naman tiyak nang maghahabol upang makabawi ngayon ang iba pa nilang players, partikular ang Gilas standouts na sina Jayson Castro, Jimmy Alapag at Larry Fonacier, kasama sina Jay Washington at rookies na sina Kevin Alas at Matt Rosser.