TUGUEGARAO CITY, Cagayan – Natagpuan ng mga pulis ang pugot na bangkay ng isang magsasaka sa loob ng isang kubo sa gitna ng palayan habang sa isang kanal naman nadiskubre ang nawawala niyang ulo sa Barangay Pata West sa Claveria, Cagayan, noong Huwebes.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Melenio Tabag, 47, binata, na nakatira sa nasabing kubo.

Napaulat na bago natagpuang patay ay dalawang lalaki ang sinasabing nagtangkang tumangay sa mga alagang manok ni Tabag pero pumalag ang huli.

Tinutugis na ng awtoridad ang suspek para makumpirma ang motibo sa krimen.

Pagdagsa ng mga pasahero sa PITX, inaasahang papalo ng 3 milyon ngayong holiday season!