Disyembre 20, 1957 nang matanggap ng Hollywood superstar at King of Rock and Roll na si Elvis Presley ang draft notice mula sa Memphis Draft Board, upang ipaalam sa kanya ang nalalapit na military draft, sa kasagsagan ng kanyang kasikatan.

Dahil sa balitang papasok na sa militar si Presley, nag-alok ng special treatment ang United States (US) Navy kasama ang Army at Air Force, kung lalagda siya nang mas maaga (nag-alok ang Navy ng “Elvis Presley Company”).

Ngunit tinanggihan ito ng 22-anyos na icon at nagdesisyong pumasok sa US Selective Service System bilang ordinaryong miyembro.

Umani ng respeto si Presley mula sa kanyang mga kritiko.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Agosto 2013 nang isinubasta sa halagang £13,000 ang uniporme ng US Army na isinuot ni Presley.