Pag-aari na ng Philippine Children Medical Center (PCMC) ang 37,211 square meters na lote sa Quezon City matapos magbigay ng opinyon ang Department of Justice (DOJ) na hindi ito pag-aari ng National Housing Authority (NHA) .

Ayon kay Senator Teofisto Guingona III, tapos na ang isyu sa pagitan ng NHA at PCMC at maituturing na hindi na iskwater ang ospital para sa mga bata.

“Dahil sa DOJ opinion, sabi ng NHA, tinatanggap na nila ang Memorandum of Exchange (between NHA and the Department of Health). Therefore, ang may-ari ngayo ng property kung saan nakatayo ang Philippine Children Medical Center (PCMC) ang DOH na, hindi na ang NHA,” ayon kay Guingona.

“Ang gagawin na lang, pag-uusapan na lang kung paano babayaran ang balanseng P900 million na babayaran ng NHA sa DOH, Talagang magandang ending ito, tamangtama Christmas pa naman, para sa mga bata lalong-lalo na doon sa naka-confine sa PCMC,” dagdag niya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho