VATICAN CITY (AFP)— Minarkahan ni Pope Francis ang kanyang ika-78 kaarawan sa pag-order ng daandaang sleeping bag para ipamigay sa mga palaboy sa Rome, sinabi ng mga opisyal ng Vatican noong Huwebes.
Pinangunahan ni Konrad Krajewski, ang arsobispong namamahala sa charity work ng papa, ang operasyon ng isang minibus na puno ng 400 sleeping bags na may papal ensign na umikot sa buong kabisera ng Italy noong Miyerkules ng gabi at naghahanap ng mga taong mapagbigyan nito.
“This is a gift for you from the pope on the occasion of his birthday,” sabi ng mga Swiss guard na tumulong sa pamamahagi sa mga tumanggap. Ipinagdiwang ni Francis ang kanyang ika-78 kaarawan noong Miyerkules at walong palaboy ang kabilang sa mga bumati sa kanya sa patatapos ng kanyang audience sa St Peter’s square.