Mahigit isang linggo matapos manalasa ang bagyong Ruby (international name: Hagupit) sa Visayas, nagkaloob ang gobyernong Japanese ng mga kailangang kagamitan para sa mga biktima ng bagyo na nagkakahalaga ng P8.2 milyon (¥22 million).
Nilagdaan nina Department of Social Welfare and Development Secretary Dinky Soliman, Japan International Cooperation Agency (JICA) Chief Representative Noriaki Niwa, at Japan Ambassador to the Philippines Kasuhide Ishinakawa ang deed of donation and acceptance of the goods na ipinagkaloob ng gobyerno ng Japan para mga biktima ni ‘Ruby.’
Kabilang sa mga donasyon ay mga kumot, sleeping pads, plastic sheets, water purifier, at collapsible water containers. - Ellalyn De Vera