Para sa kaligtasan at seguridad ng mga pasahero, istriktong ipinatutupad ng pamunuan ng Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT) ang “no inspection, no entry” policy.

Ayon kay LRT at MRT Spokesman Atty. Hernando Cabrera, prayoridad nila na tiyaking ligtas ang biyahe ng mga sumasakay sa tren.

Mahigpit na patakaran sa bawat istasyon ng tren ang masusing inspeksiyon sa mga dalang bag o bagahe lalo na sa mga nakabalot ng pang-regalo o gift wrapped items na ilalagay naman sa nakatalagang mesa.

Nanawagan si Cabrera sa mga pasahero na makipagtulungan sa mga guwardiyang nakatalaga sa inspection upang mapanatili ang kaayusan maging sa pagpila na inaasahang hahaba pa dahil sa Christmas rush.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang mga pasaherong may bitbit ng regalo ang siyang magbubukas nito kaya pinapayuhang mag-iwan ng isang bahaging bukas upang mas mapadadali ang inspeksiyon at hindi na maabala pa nang labis.

Ang LRT Line 1 ay nakaugnay sa Roosevelt sa Quezon City patungong Baclaran habang naka-konekta ang LRT Line 2 sa C.M. Recto hanggang Santolan.

Ang MRT 3 naman ay binabaybay ang Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA) mula Taft Avenue sa Pasay City hanggang North Avenue, Queon City.