ISULAN, Sultan Kudarat – Kinumpirma ng militar na ang leader ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na napatay sa pakikipagsagupa sa Army sa Shariff Aguak, Maguindanao ang nasa likod ng pagpatay sa dalawang sundalo sa loob ng provincial hospital nitong Oktubre.

Sinabi ni Lt. Col. Romeo Bautista, commander ng 45th Infantry Battalion, na si Maguid Abdul, alyas Kumander Kamote, ay napatay sa engkuwentro ng grupo sa mga tauhan ng Army sa Barangay Labu-Labu sa Shariff Aguak nitong Disyembre 17.

Aniya, tinangka ng may 10 kasapi ng BIFF na atakehin ang himpilan ng Barangay Peace Action Team (BPAT) pero napigilan ang mga ito ng militar at nauwi sa sagupaan ang insidente.

Sinabi ng awtoridad na pinangunahan ni Abdul ang pagsalakay sa provincial hospital ng Maguindanao noong Oktubre 9, na ikinamatay ng dalawang sundalo. - Joseph Jubelag
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente